Request ni dating Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta na isailalim sa witness protection program ang mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya, hindi pinirmahan
- Diane Hora
- Sep 11
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi pinirmahan ni Senate Presidente Vicente Sotto III ang request na isailalim sa witness protection program ang mag-asawang contractor na sina Pacifico “Curlee” at Cezarah “Sarah” Discaya.
Sinabi naman ng DOJ, na ang pagiging state witness ng mag-asawang Discaya sa flood control issue ay magdedepende umano sa magiging bigat ng kanilang testimonya.
Sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas-
Tumanggi umano si Senate President Vicente Sotto III, na pirmahan ang request ni dating Senate Blue Ribbon Committee Chairman Rodante Marcoleta, na isailalim sa witness protection program ang mag-asawang contractor na sina Pacifico “Curlee” at Cezarah “Sarah” Discaya.
Ibinahagi rin ng Radyo Pilipinas ang kopya ng request letter.
Samantala sa isa pang report ng Radyo Pilipinas, sinabi ng Department of Justice na
pag-aaralan ng kagawaran ang posibilidad na maging state witness ang contractor na sina Pacifico “Curlee” Discaya at asawa nitong si Sarah Discaya.
Dagdag sa report na ito ay kasunod ng mga ibinunyag ng mag-asawa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Lunes at pagharap sa Kamara kahapon kaugnay sa mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.
Sinabi sa report na magdedepende umano ang pagiging state witness ng mga ito sa bigat ng kanilang testimonya.
Nanindigan din ang Department of Justice ayon sa report na kailangan munang ibalik ng mag-asawang Discaya ang mga perang kinita sa gobyerno sa iligal na paraan.
Sa pahayag naman ni Senate President Vicente Sotto III, sinabi nito na ang kailangan para maging state witness, ay ibalik ang perang ninakaw sa gobyerno at magsabi ng totoo.



Comments