iMINDSPH
Sinimulan na ang re-routing at pansamantalang pagsasara ng Governor Gutierrez Avenue patungong Bangsamoro Government Center ngayong unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy.
Mahigpit din ang seguridad na ipinatutupad sa lugar
Ipatutupad ito hanggang sa a-otso ng Octobre, ang huling araw ng filing ng COC.
Simula ngayong unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy-
Ito ang magiging sitwasyon sa Gov Gutierrez Avenue, Cotabato City papasok sa Bangsamoro Government Center.
Sa mga kandidato na maghahain ng COC mula Cotabato City at Provincial Post ng Maguindanao del Norte-
Isang sasakyan lamang bawat kandidato ang papayagang makapasok sa loob ng Bangsamoro Government Center kung saan naroon ang tanggapan ng Commission on Election Cotabato City at Maguindanao del Norte.
Hindi rin papayagan ang mga maghahain ng COC na magdala ng armas sa loob ng BGC.
Hindi rin papayagan ang mga supporters ng mga kandidato at convoy ng mga ito na papasok ng BGC.
Sinimulan na ang re-routing ngayong unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy. Sa mga sasakyan patungong ND Village, inilaan ng TMU ang isang lane ng Governor Gutierrez Avenue pero hindi na maaring bumalik ang mga ito sa Gov. Gutierrez Area palabas ng ND Village.
Ipatutupad ito hanggang sa a-otso ng Setyembre, ang huling araw ng filin ng COC.
コメント