top of page

Residente ng Cotabato City, buong puso na nagpapasalamat sa BARMM Government sa Programang AMBaG matapos matulungan sa bayarin sa ospital

  • Diane Hora
  • Oct 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa walang patid na pagbibigay ng tulong Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG Program sa mga pamilyang nangangailangan ng assistance sa kanilang bayarin sa ospital-


Isa ang bente kwatro anyos na si Asnaira Laguiab mula Cotabato City sa labis na nagpapasalamat sa programa.


Aniya, hindi makalakad at makapagsalita ang tiyuhin nito matapos na maaksidente.


Hirap ang kanilang pamilya na bayaran ang lumobong hospital bill at walang sapat na kita ang misis ng pasyente.


Umabot pa ng halos isang milyong piso ang kanilang hospital bill pero dahil sa AMBaG Program, sinagot na ang kanilang remaining balance na ₱300,000.00.


Kaya labis ang pasasalamat nito sa BARMM Government.


Ang AMBaG Program ang isa sa flagship programs ng Office of the Chief Minister, na nagbibigay ng tulong medikal sa mga mahihirap at nangangailangang Bangsamoro, lalo na sa mga kabilang sa vulnerable sectors.


Ayon sa AMBaG, patuloy ang pagpapalawak ng serbisyo upang maabot maging ang mga Bangsamoro sa labas ng rehiyon.


Sa kasalukuyan, may apatnaput limang mga partner hospitals mayroon ang AMBaG kabilang ang mga nasa Cotabato, Sulu, Davao, Zamboanga at General Santos City.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page