Resolusyon na gawing official greetings ng lahat ng opisina at establishimento sa lungsod ang “Salam! Cotabato City” pinagtibay pa ng SP
- Diane Hora
- Oct 17
- 1 min read
iMINDSPH

Opisyal na ang pagbati na “Salam! Cotabato City” na gagamitin sa lahat ng government offices at establishimento sa lungsod.
Ito ay base sa adopted Resolution Number 7488 Series of 2025 o ang Resolution adopting "Salam! Cotabato City" as the official greeting to be used by all government offices and private establishments in the City of Cotabato.”
Isunulong ito nina Councilors Anwar Malang, Florante Formento, Nasrudin Mohammad, Mohammad Jihad Sema, Michael Datumanong, Faidz Edzla, Guiadzuri Midtimbang, Mohamad Ali Mangelen, Joven Pangilan, Shalimar Candao, Datu Noriel Pasawiran at Abubakar Campong.
Ang Salam ay isang Arabic word na ang ibig ipakahulugan ay kapayapaan, na isang salita mula sa malalim na pinagmulan ng mga Cotabateño na naninirahan ng matiwasay sa kabila ng pagkaka-iba ng tribo at kultura.
Ang official greeting na ito ayon sa SP ay magbibigay ng matatag na pagkakakilanlan ng lungsod at mas madali ayon sa SP na maalala ng publiko.



Comments