top of page

Resolusyon na naghihikayat sa mga food establishment sa Marawi City na pansamantalang itigil ang dine-in operations tuwing oras ng pag-aayuno sa buwan ng ramadan, inaprubahan ng konseho

  • Feb 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa ilalim ng Resolution No. 045-02 series of 2026, saklaw nito ang mga restaurant, eatery, cafeteria, food stall at iba pang kaparehong establishimento sa loob ng lungsod.


Sa ilalim ng panukala, maaari pa ring magpatuloy ang take-out at delivery services, pati ang advance food preparation para sa Iftar, basta’t walang kakain sa loob ng establishimento habang fasting hours.


Pinapayagan lamang ang pagbabalik ng regular dine-in operations kada araw sa buong buwan ng ramadan sa oras ng Maghrib o paglubog ng araw.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page