top of page

Resolusyon na sumusuporta sa panawagan ni ICM Abdulraof Macacua na courtesy resignation sa lahat ng ministers, deputy ministers, at head of offices at agencies sa BARMM Government, pinagtibay ng BTA

  • Diane Hora
  • 4 hours ago
  • 1 min read

IMINDSPH



Naghayag ng suporta ang Bangsamoro Parliament sa panawagan ni Interim Chief Minister Abdulraof Macacua na pagpapasumite ng courtesy resignation sa lahat ng ministers, deputy ministers, at head of offices at agencies sa BARMM Government.



Isang resolusyon ang pinagtibay ng BTA Parliament, araw ng Miyerkules na sumasang-ayon sa reform agenda ni ICM Macacua na anila ay bahagi ng pagsusumikap ng opisyal sa pagpapalakas ng moral governance, pagtataguyod ng public trust, at paghahatid ng mas pinahusay na public services sa Bangsamoro people.


Hinikayat din ng BTA sa resolusyon ang lahat ng concerned officials na sundin ang panawagan ni ICM Macacua sa ngalan ng accountability, professionalism, at service sa Bangsamoro people.


Matatandaan na binigyan lamang ng hanggang sa katapusan ng buwan ang lahat ng ministers, deputy ministers, at head of offices at agencies sa BARMM Government para magsumite ng courtesy resignation.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page