Resolution, pinagtibay ng Committee on Public Order and Safety ng BTA na nananawagan sa COMELEC na magsagawa ng inquiry sa mga election related incidents sa BARMM
- Diane Hora
- Aug 25
- 1 min read
iMINDSPH

Hinihikayat din sa nasabing resolusyon ang PNP PRO BAR at AFP na imbestigahan ang mga insidente na naganap sa rehiyon sa kasagsagsagan ng paghahain ng COC para sa 2025 national and local elections.
Base sa datos ng PNP PRO BAR, dalawampu’t isang insidente ang naireport sa kanilang tanggapan mula October 1 hanggang 8, 2024.
Labing apat umano dito ang naresolba na, lima ang naisampa ang kaso sa korte at dalawa ang nananatiling under investigation.
Pero binigyang linaw ng awtoridad na karamihan sa mga insidenteng ito na nangyari sa kasagsagan ng paghahain ng COC ay hindi direktang election-related.
Sinabi naman ni Maguindanao Del Sur Provincial Election Supervisor Allan Kadon na puspusan na ang ginagawang education campaign ng Comelec upang matiyak ang ligtas at maayos na halalan sa October 13 sa BARMM.



Comments