top of page

Rice assistance, ipinamahagi sa mga Yateem at mga guro ng Kimpo Elementary School

  • Diane Hora
  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Patuloy ang paghahatid-serbisyo ni Bangsamoro Transition Authority Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo sa mga komunidad sa lungsod.


Kamakailan, personal niyang binisita ang Markadz Abbdulrahman Al-Sulaytien sa Poblacion 8, Cotabato City, kung saan kasalukuyang naninirahan ang mga batang ulila.


Ipinamahagi rito ang tulong na bigas para sa kanilang pang-araw-araw na pagkain.


Samantala, tumugon din ang kanyang grupo sa pangangailangan ng mga guro at vendors ng Kimpo Elementary Schoolsa Rosary Heights 13, kung saan namahagi rin sila ng bigas

bilang tulong sa kanilang kabuhayan.


Ang aktibidad ay naisakatuparan sa tulong ng Barangay Local Government Unit ng RH 13 at sa matatag na suporta ni BARMM Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page