RICE SUBSIDY AT FOOD PACKS Kaloob ng BARMM government sa 2,400 drivers ng mga pampublikong sasakyan mula sa 8 transport groups sa Cotabato City
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Handog ngayong araw ng BARMM government ang tig-sasampung kilong bigas at food packs na naglalaman ng kape at de-lata para sa mga tsuper sa Cotabato City.
Isinagawa ang distribusyon sa pamamagitan ng BARMM READi, sa pakikipagtulungan ng Cotabato City Government.
Samantala, umapela ang ilang tsuper na sana ay madagdagan pa ang tulong at maging pantay ang distribusyon sa lahat ng sektor.
Lubos namang ikinatuwa ni Khadaffy Macapendeg, lider ng transport sector, ang agarang pagtugon ng pamahalaan sa pangangailangan ng kanyang mga miyembro.



Comments