top of page

Road opening at farm-to-market roads, tuloy-tuloy sa Datu Hoffer Ampatuan

  • Jan 26
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Datu Hoffer Ampatuan, sa pamumuno nina Mayor Datu Prince Sufri Ampatuan at Vice Mayor Bai Bong Ampatuan, kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, nagpapatuloy ang road opening at pagpapagawa ng farm-to-market roads sa Barangay Sayap at Barangay Mantao.


Layunin ng proyekto na pabilisin ang pagdadala ng mga produktong pang-agrikultura, ilapit ang mga serbisyong panlipunan, at magbukas ng mas maraming oportunidad para sa kaunlarang pangkabuhayan at inklusibong pag-unlad sa mga komunidad.


Ayon sa provincial government ng MagSur, ngiti at pag-asa ang hatid ng proyekto sa mga residente, na inaasahang makikinabang sa mas maayos na access sa merkado, edukasyon, kalusugan, at iba pang pangunahing serbisyo.


Maging ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay nagpahayag anila ng kasiyahan, dahil mas mapapadali na rin ang paghahatid ng serbisyo sa mga nasabing barangay.


Sa bawat kalsadang binubuksan, ayon sa provincial government, mas lumalapit ang oportunidad—patunay na ang maayos na imprastraktura ay susi sa mas matatag at mas maunlad na pamayanan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page