iMINDSPH
Siyam na punong barangay mula sa bayan ng Talitay, Maguindanao del Norte ang opisyal na nag-turn over ng kanilang mga ‘loose firearms’ sa 2nd Mechanized. Kabilang dito ang sang RPG, dalawang sniper rifles at grenade launcher.
Itinurn over ng siyam na punong barangay ng Talitay, maguindanao del Norte ang dalawang 7.62mm sniper rifles, dalawang 12 gauge shotguns, isang cal .30 Garand rifle, isang M79 grenade launcher, isang M203 grenade launcher, isang RPG launcher, at isang 5.56mm Ultimax rifle -
Sa pamunuan ng 2nd Mechanized Battalion sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Jerome D. Peñalosa.
Ayon sa opisyal ang hakbang na ito ng mga lokal na opisyal ay bilang pagsuporta sa kampanya ng gobyerno laban sa loose firearms sa ilalim ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program.
Sinabi naman ni Talitay Mayor Sidik Amiril, ito ay kanilang tugon sa panawagan ng gobyerno at ng militar na isuko ang mga loose firearms upang hindi magamit sa mga krimen, lalo na sa panahon ng halalan.
Comments