‘SA BAGONG PILIPINAS, BAWAT BAYAN, MAKIKINABANG’ Inilunsad ngayong araw sa pangunguna ni PBBM; programa, dinisenyo para i-angat ang suporta ng administrasyon sa lahat ng LGU
- Feb 23
- 2 min read
iMINDSPH

Layunin ng paglulunsad ng “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” sa Malacañang Palace ngayong araw na punan ang ‘opportunity gap’ sa pamamagitan ng pagsasalin ng national economic stability sa real household security, upang ang pag-unlad ay masusukat sa pamamagitan ng well-being ng bawat pamilyang Pilipino.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa LGUs, siniguro ni Pangulong Marcos Jr. na ang suporta para sa essential needs tulad ng bigas, kalusugan, edukasyon, at pamumuhay ay makararating sa bawat mamamayan ng agaran at malinaw.
Sa 2026 General Appropriations Act o GAA, laan ang pinakamalaking Local Government Support Fund o LGSF sa kasaysayan ng bansa na nagkakahalaga ng Php57.872 billion, o pagtaas ng Php34.87 billion.
Kabilang dito ang Financial Assistance sa LGUs o FALGU na umaabot ng Php37.492 billion, Growth Equity Fund o GEF na may kabuuang pondo na Php11.3 billion, Support to the Barangay Development Program o SBDP/NTF-ELCAC na Php8.09 billion, at ang Support and Assistance Fund to Participatory Budgeting o SAFPB na nagkakahalaga ng Php1 billion.
Iniabot din ni Pangulong Marcos Jr. ang FALGU Rice Approval Letter sa League Officers mula sa Union of Local Authorities of the Philippines o ULAP, League of Provinces of the Philippines o LPP, League of Cities of the Philippines o LCP, at League of Municipalities of the Philippines o LMP.
Sa mga release, 50 percent ang ipinapanukala para sa nationwide rice distribution program para sa identified families na tatanggap ng 10 kilo ng bigas sa loob ng anim na buwan kada taon.
Tinanggap naman ng Chief Executive ang resolutions mula sa LPP, LMP, at LCP, na naghahayag ng buong suporta at pasasalamat sa pagtugon nito sa pangangailangan ng mamamayan at sa pag-empower sa mga LGU sa pamamagitan ng LGSF.
Nangako rin ang liga na imo-monitor ang LGSF-funded programs upang matiyak ang accountability at transparency.
Ang Local Government Support Fund ay isa lamang sa maraming programa na magtitiyak na walang komunidad ang mapag-iiwanan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.



Comments