Sa search warrant operation na isinagawa ng awtoridad sa Kidapawan City; ₱51K Halaga ng ilegal na droga nasabat
- Feb 20
- 1 min read
iMINDSPH

Isang beautician ang naaresto matapos makumpiska ng awtoridad ang mahigit ₱51,000 halaga ng ilegal na droga sa isinagawang search warrant operation.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Inday”, 40 taong gulang, residente ng Barangay Magsaysay ng syudad.
Ikinasa ang operasyon, araw ng Miyerkules, Pebrero 18, 2026.
Pinangunahan ng Drug Enforcement Unit ng Kidapawan City Police Station ang operasyon, katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 Cotabato Provincial Office, PIU at PPDEU ng Cotabato Police Provincial Office, at 1st CPMFC, sa ilalim ng Police Regional Office 12.
Sa pagpapatupad ng search warrant para sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, nakumpiska ang apat na maliit na sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.84 gramo na may halagang ₱12,512.00; dalawang medium sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 5.71 gramo na nagkakahalaga ng ₱38,828.00; at isang piraso ng tuyong dahon ng marijuana na may timbang na 10 gramo na nagkakahalaga ng ₱500.00.
Isusumite ang mga ebidensya sa North Cotabato Provincial Forensic Unit para sa qualitative at quantitative examination. Kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan City Police Station ang suspek habang hinihintay ang kaukulang legal na disposisyon.



Comments