Sa search warrant operation ng pulisya sa Davao de Oro; Baril at suspected shabu nasamsam
- Feb 26
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Alex”. Isinagawa ang pag-aresto bandang alas-11:00 ng umaga sa bisa ng Search Warrant No. 012-2026 na inilabas ng RTC Branch 57.
Nakarekober ang mga operatiba ng dalawang kalibre .45 na baril na may nakakabit na mga magasin at bala, gayundin ang limang elongated plastic sachet na naglalaman ng puting kristal na hinihinalang shabu, na nadiskubre incidental sa isang lawful arrest.
Ang operasyon ay isinagawa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11 sa ilalim ng Regional Special Operations Group 11, katuwang ang Pantukan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Team ng RID 11, 1101st Maneuver Company ng RMFB 11, at PIU DDOPPO.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa wastong dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa ilegal na droga at baril.



Comments