Sadaqah para sa Ummah sa Cotabato City, isinagawa ng tanggapan ni MP Tomanda Antok
- Dec 31, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ng tanggapan ni MP Tomanda Antok ang “Sadaqah para sa Ummah” noong December 23, 2025 sa Markadz Al-Arfadz Orphanage Center sa Kalanganan II, Cotabato City, na nagsilbing benepisyaryo para sa buwan ng Disyembre.
Layunin ng programa na maghatid ng tulong sa mga batang ulila alinsunod sa turo ni Prophet Muhammad (S.A.W.) na ang pinakamainam na tahanan ay ang tahanan kung saan ang mga ulila ay pinapakita ng pagmamahal at kabutihan.
Kasama sa ipinamamahaging tulong ang foam beds, bigas, canned goods, noodles, dalawang jetmatic water pumps, mga hygiene kit tulad ng sabon, sepilyo, at detergent, pati na rin ang mga tsinelas para sa mga bata at benepisyaryo.
Ayon sa opisyal, ang aktibidad na ito ay bahagi ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa pinaka-nanganganib na sektor at pagtugon sa aktwal na pangangailangan ng komunidad. Sa pamamagitan ng Sadaqah, layunin nilang itaguyod ang malasakit, dignidad, at serbisyo para sa ummah.



Comments