SAFETY AND ANTI-ILLEGAL DRUG AWARENESS PROGRAM isinagawa ng Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa bayan ng Sultan sa Barongis
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ang aktibidad ng Office of the Provincial Planning and Development Coordinator katuwang ang Bureau of Fire Protection–Sultan sa Barongis, Philippine National Police, at Municipal Anti-Drug Abuse Council, sa suporta ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Isinagawa sa unang araw,March 24, ang fire drill exercise at fire suppression orientation kung saan tinuruan ang mga estudyante at guro ng tamang emergency response, kabilang ang paggamit ng fire extinguisher gamit ang PASS (Pull, Aim, Squeeze, Sweep) technique.
Sinundan ito noong March 25 ng community awareness program laban sa ilegal na droga at fire safety orientation, kasama ang pamamahagi ng Information, Education, and Communication (IEC) materials tungkol sa fire prevention.
Malaki ang naging papel ng PDRRMO sa implementasyon ng programa at sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga kalahok sa pamamagitan ng IEC materials.
Nagbigay rin ng mensahe si PLT Samer J. Kasan na hinikayat ang kabataan na magpokus sa kanilang pag-aaral at umiwas sa ilegal na droga.
Samantala, nagsagawa ng evaluation ang BFP upang masukat ang kaalaman ng mga kalahok sa isinagawang drills at orientation.
Nagtapos ang aktibidad sa isang photo opportunity bilang tanda ng matagumpay na pagsasagawa ng programa.



Comments