Sagip Bangsamoro Movement for Moral Government, naglunsad ng peace rally sa tapat ng BGC at sigaw ang pagbasura sa BTA Bill 419 at cancellation ng sectoral representation
- Diane Hora
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Bit-bit ang kanilang mga plakard, sigaw ng mga miyembro ng Sagip Bangsamoro Movement for Moral Government sa tapat ng Bangsamoro Government Center, Lunes ng hapon, January 26 na ibasura ang BTA Bill 419 at ang cancellation ng sectoral certification.
Iniwan at hindi dinala ang ibinigay na ayudang bigas sa mga miyembro.
Aprubado na ng Committee on Amendments, Revision, and Codification of Laws ng Bangsamoro Parliament, ang mga amendments na ginawa sa Electoral Code ng rehiyon at isusumite na ito sa plenary para sa deliberasyon.
Kabilang sa approved amendements sa committee level sa sectoral representation ay ang pagpili ng sectoral representatives. Sa ilalim ng BEC, pipiliin ito sa pamamagitan ng sectoral assemblies. Sa inamyendahang probisyon, magiging direct at synchronized voting na ito sa regular parliamentary election.
Sa inamyendahang probisyon, ipinapanukala sa section 8 ng proposed bill na i revoke ang lahat ng issued certifications ng sectoral organizations na ibinigay ng COMELEC en banc taong 2025.
Sa ilalim ng BTA Bill 419, ibinaba ang membership requirement para sa regional political parties mula 10,000 members ay gagawin na lang 5,000.
Ibinaba rin sa 2.5 percent ng total valid votes cast ang minimum vote requirement para makakuha ng representasyon ang isang partido.
Ayon kay Committee Chair Sittie Fahanie Uy-Oyod, committee-level approval pa lamang ito at daraan pa sa full deliberation ng lahat ng mambabatas sa plenary sa susunod na linggong sesyon.
Ang panukala ay iniakda ni MPs Rasol Mitmug Jr., Zaakaria Rakim, Alirakim Munder, Baintan Ampatuan, Amenodin Sumagayan, Ma-Arouph Candao, Ibrahim Ibay, Zulfikar-Ali Bayam, Abdulbasit Benito, Rashdi Adiong, at Ishak Mastura.



Comments