top of page

Salary increase at benepisyo ng mga guro, uniformed personnel, at mga kawani ng pamahalaan, hindi maantala at hindi maapektuhan sa 2026 budget ayon sa DBM

  • Jan 5
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas, nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi maaantala at hindi maaapektuhan ang salary increases at retirement benefits ng mga guro, kawani ng gobyerno, at uniformed personnel sa 2026 national budget.


Ayon sa DBM, walang tinanggal na pondo at hindi binawasan ang sinasabing ₱24 bilyon dahil ito ay inilipat lamang sa tamang ahensya upang mas mabilis at mas malinaw ang paglabas ng benepisyo, partikular sa subsistence allowance ng uniformed personnel.


Buong-buo rin umano ang sahod at salary increases ng mga kasalukuyang civilian employees at uniformed personnel dahil nakapaloob na ang mga ito sa budget ng kani-kanilang ahensya.


Nilinaw din na walang delay, walang bawas, at walang mawawala sa mga benepisyo, dagdag pa sa report.


Kung may posibleng maapektuhan, ito ay ang mga bagong papasok na empleyado at nakadepende pa rin sa bilis ng pagpuno sa bakanteng posisyon, kung saan may nakahandang pondo ang pamahalaan ayon pa sa report.


Dagdag pa ng DBM, hindi rin apektado ang pension ng uniformed personnel at mananatiling buo ang matatanggap ng mga magre-retiro na dadaan pa rin sa umiiral na proseso, ayon sa report.


Binigyang-diin ng ahensya na inayos lamang ang paglalagay ng pondo para sa mas maayos na implementasyon at patuloy silang tututok sa kapakanan ng mga lingkod-bayan at sa responsableng paggamit ng pondo ng bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page