SAMahaat RAMADHAN 2026 ISLAMIC SYMPOSIUM Dinaluhan ng mahigit 1,000 indibidwal sa Parang, Maguindanao del Norte Municipal Hall
- Mar 3
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit 1,000 indibidwal ang nagtipon sa Parang Municipal Hall para sa SAMahaat Ramadhan 2026: Islamic Symposium, isang makabuluhang pagtitipon na nakatuon sa pagpapalalim ng pananampalataya, pagpapatibay ng pagkakaisa, at pagsusulong ng moral na pananagutan ngayong banal na buwan ng Ramadhan.
Dinagsa ng mga mananampalatay sa relihiyong Islam ang SAMahaat Ramadhan 2026: Islamic Symposium sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte.
Ang “SAMahaat” ay mula sa salitang Arabic na samāhah, na nangangahulugang pagpapatawad, kabutihang-loob, at pagbabahagi ng biyaya—mga pagpapahalagang sumasalamin sa diwa ng Ramadhan. Sa talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng awa, malasakit, at pananagutan hindi lamang sa personal na debosyon kundi maging sa pamumuno at pamamahala.
Tampok na tagapagsalita si Ustadz Saguir Salendab na nagbahagi ng mahahalagang aral mula sa Islamic teaching at nagbigay-diin sa kahalagahan ng Moral Governance na nakaugat sa pananampalataya at responsableng pamumuno.
Bilang bahagi ng programa, nag organisa ng pa raffle ang Office of the Chief Minister kung saan namahagi ng 50 sako ng tig-10 kilong bigas at iba’t ibang household appliances sa mga dumalo—patunay ng patuloy na suporta ng pamahalaan sa komunidad ngayong Ramadhan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Office of the Chief Minister sa pakikipagtulungan ng Office of the Chief of Staff at ng Municipality of Parang. Bahagi ito ng mas malawak na Ramadan initiatives ng pamahalaang Bangsamoro na layong palakasin ang spiritual enrichment at community engagement sa buong rehiyon.
Sa pamamagitan ng faith-based discussions at kolektibong pagninilay, muling pinagtibay ng symposium ang panawagan para sa isang Bangsamoro na ginagabayan ng moralidad, nagkakaisa, at matatag.



Comments