top of page

SAMahat RAMADAN 2026: ORPHANAGE VISITATION Hatid ang 200 food packs, bigas at grocery items sa Hatice-Cemil Atay Orphan Educational Complex sa Barangay Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ng Office of the Chief Minister ang outreach activity na SAMahat Ramadhan 2026: Orphanage Visitation sa Hatice-Cemil Atay Orphan Educational Complex sa Barangay Kayaga, Pandag, Maguindanao del Sur, araw ng Miyerkules, Marso 5, 2026.


Hatid ng SAMahat Ramadhan 2026: Orphanage Visitation ang tulong at pag-asa sa 150 ulilang bata na kasalukuyang inaalagaan ng orphan educational complex.


Tumanggap ang mga ito ng 200 food packs, kasama ang mga sako ng bigas at iba pang grocery items, upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng orphanage at ng mga batang naninirahan dito.


Ayon sa Bangsamoro Government, ang inisyatibo ay hindi lamang pagbibigay ng materyal na tulong kundi isang paalala rin na nananatiling katuwang ng pamahalaan ang mga vulnerable sector ng komunidad.


Ang salitang “SAMahat” ay mula sa Arabic na samāhah, na nangangahulugang pagpapatawad, kabutihang-loob, at diwa ng pagbibigay, mga pagpapahalagang lalo na sa panahon ng Ramadhan.


Ipinapaalala rin ng programa ang aral ni Prophet Muhammad (peace be upon him) tungkol sa pag-aaruga sa mga ulila.


Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, muling pinagtibay ang kahalagahan ng pagmamalasakit, kawanggawa, at pagkakaisa ng komunidad sa panahon ng Ramadhan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page