SAMahat RAMADHAN 2026: FREE IFTAR Handog ang iftar meals at 300 food packs mula sa tanggapan ng BARMM Interim Chief Minister sa mga madrasah students at residente ng Datu Unsay, Maguindanao del Sur
- Mar 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa ang aktibidad sa Madrasah Abdulaziz Piang Patadon Al-Islamie sa Maitumag, Datu Unsay, nitong Marso 6, 2026, sa ilalim ng programang SAMahat Ramadhan 2026.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral at miyembro ng komunidad na sabay-sabay na magbuka o break ng fast ng kanilang pag-aayuno sa diwa ng pagkakaisa, pagninilay, at pasasalamat sa panahon ng Ramadan.
Bilang bahagi ng programa, namahagi rin ng 300 food packs ang Office of the Chief Minister upang matiyak na makakasalo sa makabuluhang iftar meal ang mga estudyante at pamilya sa komunidad.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na SAMahat Ramadhan 2026 initiative, na hinango sa salitang Arabic na “samāhah,” na nangangahulugang kabutihang-loob, malasakit, at pagbabahagi ng biyaya.
Ayon sa pamahalaang Bangsamoro, ang programa ay sumasalamin sa patuloy nitong paglilingkod sa mga komunidad at pagpapalakas ng pagkakaisa sa buong Bangsamoro region sa panahon ng banal na buwan ng Ramadan.



Comments