iMINDSPH

Nagpaabot ng pagbati ang Ministry of Basic, Higher, and Technical Education sa Grand Overall Winners sa Elementary at Secondary Levels sa katatapos lamang na 2025 BARMMAA Meet.
Tinanggap ng Schools Division ng Cotabato City ang 150 thousand pesos cash matapos makamit ang Grand Overall Champion sa palaro.
Ang Schools Division ng Maguindanao del Sur na 1st runner up ay tumanggap ng Php 100,000 cash at trophy.
Cash na Php 75,000 at trophy ang tinanggap ng Schools Division ng Maguindanao del Norte na tinanghal na 2nd runner up at Php 50,000 cash at trophy naman para sa 3rd runner up na mula sa Schools Division ng Tawi-Tawi
Comentários