top of page

SEA THE FUTURE : RE-ECHOING PROGRAM Inilunsad sa Marawi para sa youth volunteerism at environmental awareness sa pangunguna ng tanggapan ni Deputy Floor Leader Atty. Rasol Mitmug Jr

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Katuwang ng tanggapan ng mambabatas, ang Embassy of France to the Philippines and Micronesia, France Volontaires Philippines, National Youth Volunteers Coalition (NYVC), Mindanao Institute of Technology (MIT), Bangsamoro Peoples Party, at Rambayong Council.


Dinaluhan ang aktibidad ng mga youth leaders at iba’t ibang stakeholder upang isulong ang volunteerism, environmental awareness, at partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng karagatan at yamang-dagat.


Ayon sa mga organizer, layunin ng programa na palakasin ang papel ng kabataan sa pagsusulong ng sustainable development at pangangalaga sa kalikasan.


Nagpahayag din ng pasasalamat ang mga organizer sa lahat ng partner at kalahok sa kanilang aktibong pakikilahok at suporta, na nakatulong sa matagumpay na pagsasagawa ng programa.


Nagpasalamat din ang grupo kay Hanifah Abdulwahab, Chairperson ng Social Work Department ng Mindanao Institute of Technology, sa kanyang mahalagang ambag at suporta sa aktibidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page