SECURITY GUARD, ARESTADO Matapos isibli ang warrant of arrest sa kasong murder sa General Santos City
- Feb 27
- 1 min read
iMINDSPH

Tiklo ang isang security guard na Most Wanted Person at nahaharap sa kasong murder sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Mundo”, 41-anyos, may asawa, at residente ng Barangay San Jose, General Santos City.
Ang naaresto ay kabilang sa Top 9 Regional Level Most Wanted Person at nahaharap sa kasong Murder sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code. Ang warrant ay inilabas noong Enero 7, 2026 ng presiding judge ng General Santos City, na walang inirekomendang piyansa.
Bandang alas-4:00 ng hapon, araw ng Martes, Feb 25, nang isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Police Station 7 ng General Santos City Police Office, katuwang ang City Intelligence Unit ng GSCPO.
Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.



Comments