SECURITY GUARD, PATAY; BATA NA ANGKAS NITO, SUGATAN Sa banggaan ng motorsiklo sa national highway sa bahagi ng Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang nasawi na si alyas "Rasul", 28 taong gulang, driver ng motorsiklo. Sugatan naman ang kanyang angkas na si alyas "Ace", 10 taong gulang. Parehong residente ng Barangay Gang, Sultan Kudarat.
Sangkot din sa insidente si alyas "Benjamin", 38 taong gulang, isang bread peddler at driver ng isa pang motorsiklo, na hindi naman nasaktan.
Batay sa imbestigasyon, nag-overtake umano ang motorsiklo ng biktima sa counterflow lane at mabilis ang patakbo at bumangga sa kasalubong na motorsiklo na papasok sana sa San Roque Road. Dahil sa lakas ng impact, nadulas ang motorsiklo ng biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay at pagkasugat ng kanyang angkas.
Agad na isinugod sa ospital ang sugatang bata para sa agarang lunas, habang ang labi ng nasawi ay dinala ng kanyang pamilya para sa agarang paglilibing.
Samantala, dinala naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng isang pang motorsiklo at ang mga sangkot na sasakyan para sa kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon.



Comments