SEED CAPITAL Tinanggap ng 102 Bangsamoro na apektado ng sunog sa Cotabato City mula sa MSSD na nagkakahalaga ng P15K sa ilalim ng Sagip Kabuhayan Program
- Mar 4
- 1 min read
iMINDSPH

Bago tinanggap ng mga benepisyaryo ang tulong pinansiyal, sumailalim muna sa Basic Financial Literacy Training ang mga ito sa People’s Palace, araw ng Martes, Marso 3, 2026.
Dumaan din sa orientation ang mga beneficiaries hinggil sa overview ng BSK Program, kabilang ang tamang paggamit ng puhunan at ang kahalagahan ng responsableng pamamahala ng pondo.
Tinalakay rin sa isinagawang pagsasanay ang mga batayang konsepto ng financial literacy at basic bookkeeping, gaya ng wastong pagtatala ng kita at gastos, pagba-budget, at mga estratehiya upang mapalago at mapanatili ang kanilang kabuhayan.
Matapos ang pagsasanay, tumanggap ang mga beneficiaries ng tig-PHP 15,000 seed capital bilang suporta sa muling pagbangon ng kanilang mga kabuhayan matapos ang sunog.
Ang BSK Program ay isa sa mga flagship program ng MSSD na naglalayong tulungan ang mga pamilya at komunidad na makabangon mula sa epekto ng sunog, masamang klima, kaguluhan, at iba pang sakuna.



Comments