Seguridad at Integridad ng 2025 BARMM Parliamentary Elections, iniatas ni DND Secretary Gilbert Teodoro sa AFP na tiyakin
- Diane Hora
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Tiyakin ang integridad at seguridad ng kauna-unahang Parliamentary Elections sa BARMM. Ito ang iniatas ni DND Secretary Gilbert Teodoro sa mga kawal at opisyal 6th Infantry Division ng Philippine Army.
Ang direktiba ay inihayag ng kalihim sa pagbisita nito sa 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army, araw ng Sabado, September 6.
Pinangunahan din ni Secretary Teodoro ang Command Conference kasama ang mga opisyal ng 6ID at Joint Task Force Central (JTFC).
Binigyang-diin ni Teodoro na ang BPE ay isang mahalagang yugto sa aniya’y democratic journey ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Iginiit din nito ang kahalagahan ng pagiging non-partisan ng militar at nanawagan na tiyakin ang isang halalan na malaya sa anumang impluwensiyang politikal.



Comments