top of page

Selebrasyon kaugnay sa 3rd Founding Anniversary ng Maguindanao del Norte, sinimulan ngayong araw sa pamamagitan ng makulay na parada; Iba’t ibang kompetisyon at papremyo, tampok sa selebrasyon

  • Diane Hora
  • Sep 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng probinsya ng Maguindanao del Norte ang ikatlong founding anniversary ng lalawigan.


Bungad ng selebrasyon ang makulay na parada ngayong araw. Pakaka abangan din ang iba’t ibang kompetisyon at papremyo sa pagdiriwang.


Makulay na parada ang hudyat ng pagdiriwang ng ikatlong taong pagkakatatag ng probinsya ng Maguindanao del Norte na sinimulan ngayong araw.


Pinangunahan ito ni Governor Datu Tucao Mastura at Vice Governor Datu Marshall Sinsuat, kasama ang mga board members ng probinsya.


Binuksan din ngayong araw ang Travel and Trade Expo sa probinsya.


Pakaka abangan sa mga susunod na araw ang Fun Run, Jiu Jitsu Grappling Championship, Kabagalugan sa Maguindanao, Qur’an Reading Memorization, Street Dance Competition, Volleyball, Football, Basketball, Pickleball, Kulintang Competition, gayundin ang iba’t bang serbisyong medikal at blood letting activity.


Tema ng selebrasyon ngayong taon, “Rooted in Heritage, Rising in Unity”.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page