top of page

Seminar at launching ng BIR E-Service Facility sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, matagumpay

iMINDSPH


Buwis na Tapat, Tagumpay Nating Lahat!



Ito ang paalala ng Local Government Unit ng Datu Odin Sinsuat.



Isinagawa araw ng Lunes, ang seminar at launching ng BIR E-SERVICES facility sa bayan na ginanap sa Barangay Hall Covered Court ng Awang.



Layunin nito na tulungan ang mga taxpayers sa bayan na intindihin ang kanilang mga Tax obligations, mga problema sa tax, at tulungan sila na iwasto ito upang maging compliant.



Sinigurado ng bawat BIR officer na naunawaan ng mga taxpayers ang kanilang mga responsibilidad at obligasyon sa buwis.


Samantala, ang launching ng BIR E-SERVICES FACILITY ay isa sa mga hakbang ng ahensya na makamit ang full digitalization ng lahat ng programa nito sa taong 2028.


Ang aktibidad ay pinangunahan ng BIR REVENUE DISTRICT NO. 107 sa koordinasyon ng LGU- Datu Odin Sinsuat sa pamumuno ni Mayor Datu Lester Sinsuat at BLGU-AWANG sa pamumuno ni Bai Sharifa Bandila-Sinsuat.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page