top of page

SEN. BONG REVILLA, PINANGUNAHAN ANG PAMAMAHAGI NG TULONG PINANSIYAL SA MGA BENEPISYARYO NG AICS SA DOS, MAGUINDANAO DEL NORTE

iMINDSPH



Mainit na tinanggap ng mga taga Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte si Senator Bong Revilla. Personal na ipinaabot ng senador ang tulong pinansiyal sa mga benepisyaryo ng AICS sa bayan kung saan walong daang residente ang tumanggap ng cash assistance.



Sinalubong ng cultural dance na Sagayan ang pagdating ni Senator Bong Revilla sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte araw ng Lunes, September 30.



Kasama ni Mayor Datu Lester Sinsuat at DSWD, personal na ipinamahagi ng mga opisyal ang tulong pinansiyal sa mga benepisyaryo ng AICS.



800 benepisyaryo ang tumanggap ng Cash Assistance, habang aasahan din ang mga infra-projects na inaprubahan ng Senador mula sa request ni Mayor Sinsuat para sa Datu Odin Sinsuat.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page