Senior Citizen mula Maguindanao del Norte, nakatanggap ng libreng wheelchair mula sa tanggapan ni Cong. Bai Dimple Mastura
- Jan 12
- 1 min read
iMINDSPH

Matagal ng iniinda ng 77 taong gulang na senior citizen ang hirap sa paggalaw dulot ng arthritis, dahilan upang maging hamon ang mga simpleng gawain at maging ang pagpunta sa regular na check-up. Ang tanging hiling ng pamilya ay isang wheelchair na makatutulong upang muling magkaroon ng ginhawa, kalayaan sa pagkilos, at dignidad ang matanda.
Sa pagdating ng wheelchair mula sa tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura, ayon sa pamilya, hindi lamang pisikal na kaginhawaan ang naibigay kundi pati bagong pag-asa.
Ipinahayag ng tanggapan ng kongresista ang pasasalamat sa tiwalang ibinibigay ng mga mamamayan at tiniyak na magpapatuloy ang mga programang direktang tumutugon sa pangangailangan ng komunidad, lalo na ng mga nakatatanda at may kapansanan.
Ang hakbang ng mambabatas ay bahagi aniya ng adbokasiya ng serbisyong may malasakit—isang konkretong anyo ng pagtulong na may agarang epekto at tunay na nararamdaman ng mga benepisyaryo.



Comments