top of page

Sentro ng Tipo-Tipo, Basilan, inatake ng mga lawless element na nagresulta sa bakbakan sa pagitan ng mga armado at government forces

  • Teddy Borja
  • Oct 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Inatake ng mga lawless element ang sentro ng Tipo-Tipo, Basilan ala 7:00 kaninang umaga na nagresulta sa bakbakan sa pagitan ng government forces at ng lawless elements na ayon sa LGU suportado umano ng Moro Islamic Liberation Front.


Ito ang ibinahaging impormasyon ng LGU Tipo-Tipo. Ayon sa impormasyon, umigting ang putukan ala 7:00 ngayong umaga sa sentro ng bayan.


Sa post ng LGU, sinasabing under siege umano ang sentro ng munisipyo.


Sa ngayon, matinding putukan umano ang nagaganap sa residential areas ng bayan.


Ayon sa LGU, nagsagawa umano ng negosasyon kagabi ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) at Kumander Rajan sa pagitan ng lawless elements pero negatibo umano ang resulta ayon impormasyon.


Tinatayang 90% ng mga residente ng Tipo-Tipo Proper ay lumikas na mula sa kanilang mga tahanan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page