top of page

Serbisyong Sama-Sama, hatid ni DTOM sa buong lalawigan ng Maguindanao del Norte, patuloy sa pag arangkada; Daan-daang residente ng Datu Blah Sinsuat, dumagsa sa ikalawang bugso ng programa

  • Diane Hora
  • Oct 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Maaga pa lamang kanina mahaba na ang pila ng residente sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte sa ikalawang bahagi ng Serbisyong Sama-Sama Hatid ni Governor Datu Tucao Mastura na naka angkla sa Development, Transformation, at Opportunity para sa Maguindanao del Norte o DTOM.


Kasama ng gobernador si Vice Governor Datu Marshall Sinsuat


May libreng check-up, libreng gamot, eye check-up, libreng salamin pambasa, dental services, chest x-ray, breast cancer check-up, libreng binhi, at legal services.


Happy din ang mga mag-aaral sa libreng school bags at school supplies, pati rin ang mga nanay at ang mga buntis, tumanggap din ng kits hatid ng Gender and Development o GAD.


Ang Serbisyong Sama-Samang Hatid ni Governor Datu Tucao Mastura ay magiging buwanang aktibidad ng provincial government ng Maguindanao del Norte kung saan inilalapit ang serbisyo ng gobyerno sa lebel ng munisipyo hanggang sa mga barangay.


Kasama ng gobernador at bise gobernador ang mga board members ng lalawigan.


Dahil love ng provincial government ang lahat ng pamilya lalo na ang mga bata, pinasaya pa ang convergence kasama ang mga mascot ng McDonald na sina Birdie, Grimace at Humbly!

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page