Serbisyong Sama-Sama, hatid ni DTOM sa buong lalawigan ng Maguindanao del Norte, umarangkada; daan-daang residente ng Upi, dumagsa sa unang bugso ng programa
- Diane Hora
- Oct 16
- 1 min read
iMINDSPH

Maaga pa lamang kanina mahaba na ang pila ng residente sa bayan ng Upi, Maguindanao del Norte sa kauna-unahang Serbisyong Sama-Sama Hatid ni Governor Datu Tucao Mastura na naka angkla sa Development, Transformation, at Opportunity para sa Maguindanao del Norte o DTOM.
May libreng check-up, libreng gamot, eye check-up, libreng salamin pambasa, dental services, chest x-ray, breast cancer check-up, libreng binhi, at legal services.
Happy din ang mga mag-aaral sa libreng school bags at school supplies, pati rin ang mga nanay at ang mga buntis, tumanggap din ng kits hatid ng Gender and Development o GAD.
Ang Serbisyong Sama-Samang Hatid ni Governor Datu Tucao Mastura ay magiging buwanang aktibidad ng provincial government ng Maguindanao del Norte kung saan inilalapit ang serbisyo ng gobyerno sa lebel ng munisipyo hanggang sa mga barangay.
Dahil love ng provincial government ang lahat ng pamilya lalo na ang mga bata, pinasaya pa ang convergence kasama ang mga mascot ng McDonald.



Comments