SHEIKH SALAMAT HASHIM BUILDING Pormal nang itinurn over; Maayos na pagkagawa ng gusali, pinuri ni BTA Deputy Speaker Omar Yasser Sema
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Isa sa mga dulo sa turn over ng Sheikh Salamat Hashim Building ng Bangsamoro Parliament si BTA Deputy Speaker Omar Yasser Sema.
Pormal itong na-turn over noong Abril 16, 2026.
Sinimulan ang konstruksyon nito noong panahon ng yumaong Speaker Pangalian Balindong at natapos sa ilalim ni Speaker Mohammad Yacob.
Ayon sa mambabatas, pinangalanan ang gusali bilang Sheikh Salamat Hashim Building bilang pagkilala sa pakikibaka at adhikain ng Bangsamoro, bilang pag-alala kay Sheikh Salamat Hashim.
May apat itong meeting rooms na maaaring aniyang gamitin sa mga pagpupulong ng mga komite, kaya makakatipid na sa gastusin sa labas.
Pinuri rin ni Sema ang Ministry of Public Works (BARMM) sa pamumuno ni Minister Eduard Guerra para sa maayos na pagkakagawa ng gusali.



Comments