SIKAD DRIVER, ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Bagua 3, Cotabato City
- Apr 6
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cotabato City —
Arestado ang isang sikad driver matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Bagua 3. Kinilala ang suspek na si alyas “Ekoy”, 28 taong gulang, binata, at residente ng nasabing lugar.
Nadakip ang suspek matapos niyang bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang police poseur buyer. Tinatayang may bigat na 0.09 gramo at nagkakahalaga ng 600 pesos.
Sa isinagawang search, narekober mula sa suspek ang isang limang daang pisong marked money na ginamit sa operasyon.
Dinala ang suspek sa Police Station 1 para sa kaukulang imbestigasyon at dokumentasyon, at sasailalim sa drug testing at medical examination.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments