SINANAY SA MUSHROOM CULTIVATION ang 80 kababaihan na may kapansanan sa bayan ng Parang, Maguindanao del Norte sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office ng bayan
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Nagsagawa ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Mushroom Cultivation Training para sa 80 kababaihang may kapansanan noong Marso 31, 2026, bilang bahagi ng pagtatapos ng National Women’s Month.
Sa tulong ng Agricultural Training Institute (ATI) - Regional Training Center XII, natutunan ng mga kalahok ang pagtatanim ng kabute bilang isang napapanatiling kabuhayan na madaling pamahalaan at may potensyal na pagkakakitaan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa suporta ng iba’t ibang katuwang, kabilang ang tanggapan ni MP Dr. Ibrahim Ibay na nagbigay ng bigas, at ang Bangsamoro Women Commission (BWC) na patuloy na nagsusulong ng karapatan at oportunidad para sa kababaihang may kapansanan.
Dumalo rin sa programa sina PDAO Maguindanao del Norte Head Jehad Maulana, SHAMiN Inc. Executive Director Bainon Candao, at MOSEP Project Manager Mariam Ali, na nagbigay ng karagdagang suporta at papremyo sa mga kalahok.
Nakiisa rin ang mga lokal na opisyal tulad nina Mayor Cahar Ibay, Vice Mayor Abdul Aziz Ali, at mga konsehal, gayundin sina Elena Gaite-Toribio ng MSSD, at Engr. Saidamen Borero ng MAFAR.
Bukod sa mga natutunang kasanayan, umuwi ang 80 kababaihan na may mas matibay na kumpiyansa at malinaw na direksyon tungo sa sariling kabuhayan.



Comments