Sisiguruhin umano ni Mayor Bruce Matabalao na ang Cotabato City ay magsisilbing lugar para sa lahat ng Bangsamoro upang magkaroon ng pantay na oportunidad at magandang kinabukasan
- Diane Hora
- Nov 5
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang Crown Jewel ng Bangsamoro Region, sisiguruhin umano ng Administrasyong Para sa Lahat ni Mayor Bruce Matabalao na ang Cotabato City ay magsilbing lugar para sa lahat ng mamamayang Bangsamoro. Isang lungsod na nagtataguyod ng magandang kinabukasan at pantay na oportunidad para sa lahat.
Ang pahayag ay bahagi ng kanyang talumpati sa State of the City Address, kung saan ipinaabot niya ang kanyang pasasalamat sa Bangsamoro Government.
Sa kanyang State of the City Address, inilatag ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ang mga naging tagumpay ng kanyang administrasyon.
Binigyang-diin niya sa kanyang talumpati ang mga naging kontribusyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Aniya, maaaring maituturing ang Cotabato City bilang isang first-class city na may malaking potensyal na maging highly urbanized city at may kakayahang tumayo sa sarili nitong mga paa. Gayunman, naniniwala siya na mas nagiging makahulugan ang pag-unlad kung ito ay sabay-sabay na tatahakin kasama ang Bangsamoro Government.



Comments