top of page

SITG Pusaka, binuo ng CCPO para magsagawa ng malalimang imbestigasyon at mapadali ang resolution sa insidente ng pamamaril sa Jose Lim Street, Cotabato City

  • Sep 18, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Mariin na kinokondena ng Cotabato City Police Office ang nangyaring pamamaril sa Jose Lim Street, Poblacion 5, Cotabato City, Martes ng umaga.



Sa nangyaring pamamaril, sugatan si Poblacion 5 chairperson Pahima Pusaka at ang dalawang anak nito na menor de edad at nasawi ang kanyang mister na si Michael at isang payong-payong driver.


Ayon sa CCPO, upang matiyak ang masusi at impartial investigation, inorganisa ang Special Investigation Task Group o SITG "PUSAKA."


Ang SITG "PUSAKA" ay pamumunuan ni PCol Jemuel Siason, DRDO, PRO BAR at pangungunahan ni City Police Director, PCol Jibin Bongcayao, kabilang na ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang law enforcement units, bilang pagsiguro sa isang multi-agency approach sa imbestigasyon.


Hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa awtoridad sa pagbibigay ng anumang impormasyon para matukoy at maaresto ang mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page