top of page

SK Chairman, arestado sa buy bust operation na ikinasa ng awtoridad sa Barangay Ardemil, Sara, Iloilo kung saan nakumpiska ang mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu

  • Feb 23
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ang isang 26-anyos na Sangguniang Kabataan Chairman na itinuturing na High-Value Individual matapos makumpiska ang mahigit ₱2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad


Kinilala ang naarestong suspek sa alyas na “Rexon,” 26 anyos, binata, at residente ng Sara, Iloilo.


Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng Sara Municipal Police Station katuwang ang 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company, pagkatapos ng mahigit limang buwan na intelligence monitoring at tip mula sa komunidad hinggil sa umano’y ilegal na aktibidad ng suspek.


Sa operasyon, nakumpiska ang dalawampu’t dalawang medium-sized sachets ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 300 gramo na may tinatayang halagang ₱2,040,000, gayundin ang 10 gramo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱1,000, buy-bust money, at iba pang non-drug items.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at inquest proceedings.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na may parusang habambuhay na pagkakakulong at multang mula ₱500,000 hanggang ₱10,000,000.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page