SKILLS TRAINING inorganisa ng MBHTE-TESD na nilahukan ng 15 kababaihan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Isinagawa noong Marso 21, 2026 ang isang (1) araw na Skills Training Program sa Academia de Tecnologia in Mindanao, RH 2, Cotabato City bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, kung saan labinlimang (15) kababaihan ang lumahok sa aktibidad na tumagal ng walong (😎 oras.
Sumailalim sa flower arrangement, fine dining, at crochet making ang mga kalahok na isinagawa sa pamamagitan ng mga demonstrasyon at aktwal na pagsasanay.
Ito ay isinagawa sa pangangasiwa ng MBHTE-TESD Cotabato City District Office sa pakikipagtulungan ng Pag-IBIG Fund Cotabato. Layunin nitong mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok, gayundin ang patuloy na pagsusulong ng women empowerment sa komunidad.
Patuloy na magsusuporta ang MBHTE-TESD sa pagpapaunlad ng kakayahan at kumpiyansa ng kababaihan tungo sa mas maunlad na kinabukasan.



Comments