SM City Mindpro, nakiisa sa Fiesta Hermosa 2025 tampok ang Kultura at Tradisyon ng Zamboanga City
- Diane Hora
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa isang makulay na opening salvo, opisyal na binuksan noong October 1 ang Fiesta Hermosa 2025 na dinaluhan mismo ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso, kasama ang mga opisyal, mga residente at bisita ng pagdiriwang.
Ito ay isang pinakamakulay at pinakamalaking kapistahan sa rehiyon na iniaalay para sa Nuestra Señora La Virgen del Pilar.
Itatampok naman ng SM City Mindpro ang Vibrant Hermosa Centerpiece sa Level 4 Activity Area mula Oktubre 1 hanggang 28 kung saan makikita, ang isang makulay at nakamamanghang display ng mayamang kultura at pananampalataya ng mga Zamboangueño.
Pwedeng mamasyal at magtipon dito ang mga pamilya at magkakaibigan upang mag-picture taking at damhin ang masayang diwa ng pista.
Mayroon ding Hermosa Fest Bazaar na bukas mula October 3 hanggang October 28, kung saan tampok ang mga lokal na produkto, pagkain, handicrafts, fashionable items at iba pang locally made products ng Zamboanga.
Layon ng aktibidad na ito na pasiglahin ang lokal na negosyo at bigyang suporta ang mga MSMEs ng rehiyon.
Para naman sa mga kabataang mahilig sa musika, inihanda rin ng SM ang Swifties Listening Party noong October 5 kung saan masayang nagtipon ang mga tagahanga ng musika.
Ipinakita naman ang ganda at galing sa local sa ginanap na Fiesta Hermosa Fashion Show noong October 6, tampok ang Badju at Mascot na dalawang simbolo ng tradisyonal na kasuotan sa Zamboanga.
Sa mga Zamboangenos, makiisa at pumasyal na sa Fiesta Hermosa 2025 sa SM City Mindpro, kitakits!
Comments