top of page

Smuggled Cigarettes na nagkakahalaga ng P577K, nasabat sa Sarangani Checkpoint

  • Teddy Borja
  • Sep 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Limang daan at pitumpu’t pitong libong halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam rin ng awtoridad sa isinagawang checkpoint operation.


Isinagawa ang operasyon alas 11:40 ng umaga, araw ng Lunes, September 1 sa National Highway ng Tinoto ng bayan.


Habang nagsasagawa ng checkpoint, pinara ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Sarangani Police Provincial Office ang isang puting truck na patungong General Santos City.


Minamaneho ito ni alias “Mike”, 50 anyos, may asawa, at residente ng Panabo City.


Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ng mga operatiba ang ilang kahon ng sigarilyo. Nabigong magpakita ng kaukulang dokumento ang driver, dahilan upang agad siyang arestuhin.


Ang naarestong suspek ay dinala sa Maasim Municipal Police Station para sa tamang disposisyon, habang ang mga nakumpiskang sigarilyo at ang truck ay iti-turn over sa Bureau of Customs para sa kustodiya at masusing imbestigasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page