SMUGGLED CIGARETTES, NASABAT; MENOR DE EDAD, NASAGIP sa anti-smuggling operation sa Glan, Sarangani
- Apr 7
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Glan, Sarangani —
Mahigit ₱68,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat ng mga awtoridad habang isang menor de edad ang nasagip sa isinagawang anti-smuggling operation sa Barangay Burias. Nasagip sa operasyon ang isang 14-anyos na menor de edad na kinilalang si alyas “Dado”, residente ng nasabing lugar.
Sa isinagawang operasyon, nadiskubre ng mga awtoridad ang isang motorized bangka na naglalaman ng hinihinalang kontrabando malapit sa dalampasigan.
Nasamsam sa operasyon ang walumpung ream ng hinihinalang smuggled cigarettes na may tinatayang halagang ₱68,454.
Ayon sa imbestigasyon, ang mga sigarilyo ay pinaniniwalaang nagmula sa Balut Island at iligal na ipinasok sa nasabing lugar.
Samantala, dalawang iba pang suspek na kinilala sa alyas na “Alas” at “Dindo” ang kasalukuyang pinaghahanap matapos makatakas bago pa man dumating ang mga awtoridad.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya at itinurn-over sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy naman ang imbestigasyon at manhunt operation laban sa iba pang sangkot sa insidente.



Comments