SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM Kasunod ng isang vehicular accident sa Sultan Kudarat; Dalawang suspek, arestado
- Apr 15
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Sultan Kudarat —
Nasamsam ng awtoridad ang hinihinalang smuggled cigarettes kasunod ng isang vehicular accident sa Columbio, Sultan Kudarat. Arestado naman ang dalawang suspek. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jamoy”, 31 years old at alyas “Ansing”, 23 years old, kapwa residente ng Cotabato City.
Ayon sa imbestigasyon, bumibiyahe ang sasakyan mula Brgy. Poblacion patungong Brgy. Telafas nang biglang pumutok ang gulong nito dahilan upang bumangga sa railing ng tulay.
Rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng ulat mula sa concerned citizen. Sa isinagawang inspeksyon, napansin ang mga kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes sa loob ng sasakyan.
Nang hingan ng dokumento ang mga suspek, nabigo silang magpakita ng kaukulang papeles kaya agad silang inaresto.
Tinatayang nasa ₱339,704.96 ang halaga ng mga nasamsam na sigarilyo na pinaniniwalaang iligal na ipinuslit at planong dalhin sa Koronadal City.
Isinagawa ang inventory ng mga ebidensya sa presensya ng mga suspek at isang barangay official bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.
Kasalukuyang sumasailalim sa booking at kaukulang pagsusuri ang mga suspek. Inihahanda na rin ang kaukulang kaso laban sa kanila.



Comments