top of page

SMUGGLED CIGARETTES Nasamsam ng awtoridad sa isang checkpoint operation sa Lanao del Sur na nagkakahalaga ng ₱427,500

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Nakumpiska ng mga awtoridad ang mga umano’y smuggled cigarettes matapos maharang ang isang van sa isinagawang checkpoint operation.


Unang namataan ng mga tauhan ng 51st Infantry Battalion ng Philippine Army ang kahina-hinalang sasakyan at agad itong ini-report sa Picong Municipal Police Station.


Sa pagresponde ng pulisya, na-intercept ang sasakyan ngunit tumakas at iniwan ng hindi pa nakikilalang driver ang van sa lugar.


Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre sa loob ng sasakyan ang 10 kahon na naglalaman ng kabuuang 500 reams ng sirgarilyo na nakalantad sa loob ng van.


Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Picong Municipal Police Station ang mga nakumpiskang sigarilyo at sasakyan at nakatakdang i-turnover sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page