top of page

Smuggled cigarettes sa Palimbang, Sultan Kudarat na nagkakahalaga ng P7.8 million pesos, narekober ng awtoridad matapos makatanggap ng tip mula sa MNLF community sa lugar

  • Teddy Borja
  • Oct 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Narekober ng awtoridad ang 7.8 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes matapos ikasa ang operasyon kasunod ng natanggap na report mula sa Moro National Liberation Front community sa lugar.


Ikinasa ng awtoridad ang operasyon, araw ng Lunes, October 13.


Ayon sa PNP PRO 12, ala 5:00 ng hapon nang rumesponde ang mga elemento ng Regional Intelligence Division 12 at Palimbang Municipal Police Station katuwang ang Bureau of Customs sa isang impormasyon na ibinigay ng MNLF Community sa lugar hinggil sa naka pile na pinaniniwalaang puslit na sigarilyo sa Barangay Kraan, na nakatakda umanong i-transport at ipagbili.


Ang mga nakumpiskang sigarilyo ay dinala na sa Palimbang MPS para sa documentation at proper disposition at ituturn over naman sa Bureau of Customs Sub-Port sa General Santos City para kaukulang aksyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page