SOLAR LIGHTS DISTRIBUTION Isinagawa ng tanggapan ni Deputy Speaker Ishak Mastura sa Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ipinamahagi ng tanggapan ni Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura ang mga solar lights sa Barangay Dalumangcob sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Limang solar lights ang tinanggap ng Barangay Dalumangcob na pinamumunuan ni Barangay Dalumangcob Chairman Mohammad “Ashter” Amir mula sa tanggapan ng mambabatas noong April 8, 2026.
Ayon sa barangay chairman, malaking tulong ang mga solar lights sa kanilang komunidad.
Naisakatuparan ang aktibidad sa ilalim ng Constituency Servicing Program ng tanggapan ng mambabatas.



Comments