South Cotabato Governor at LPP President Reynaldo Tamayo Jr, nagtungo sa Cebu kasama ang unang batch ng medical team mula sa probinsya para tutulong sa mga biktima ng lindol
- Oct 1, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Agad tumungo sa Cebu si South Cotabato Governor at League of Provinces of the Philippines President Reynaldo Tamayo Jr. kasama ang unang batch ng medical team upang tumulong sa mga naapektubahan ng 6.9 magnitude na lindol.
Ayon sa gobernador, nakatakda na ring dumating sa Cebu ang relief goods at iba pang tulong mula sa mga taga South Cotabato.
Si Governor Reynaldo Tamayo Jr. ang kasalukuyang presidente ng League of Provincial Governors of the Philippines.
Hiling din ng gobernador ang panalangin para sa mga taga Cebu.



Comments