South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., dumalo sa 13th Visayas ICT conference bilang Ambassador para sa Digital Transformation and Governance ng NICP na ginanap sa Lapu-Lapu City, Cebu
- Diane Hora
- Sep 2
- 1 min read
iMINDSPH

Ibinahagi ng gobernador ang kwento ng South Cotabato kung paano ginagamit ang digital innovations para sa mas mabilis at mas maayos na serbisyo.
Bilang NICP Ambassador para sa Digital Transformation and Governance, ikinagalak nitong ibahagi ang tagumpay ng lalawigan sa ICT champions, innovators, at lider mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Aniya, mahalaga ang pagtatag ng digitally resilient nation, pag empower sa mga local communities, at pagtiyak na ang innovation ay inclusive at transformative para sa mga pinoy.
Sa South Cotabato, itinataguyod na ang mga hakbang na ito sa pamamagitan ng digitalization initiatives sa healthcare, agriculture, at public service delivery na aniya ay konkretong hakbang para sa gawing mas mabisa, transparent, at people-centered ang pamumuno.
Nagpapasalamat naman ang gobernador sa National ICT Confederation of the Philippines (NICP) sa oportunidad.



Comments